HINDI akalain ni Grace na sa mismong kaarawan pa niya talaga siya isu-surprise ng weeding proposal ng nobyo niya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at nag-yes na agad siya. Agad namang ipinasuot sa kaniya ng nobyo niya ang singsing na hawak nito. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa labi niya. Matagal na niyang gustong gawin iyon ng asawa niya. Noon kasi ay nag-aalinlangan pa ito na pakasalan siya nito. Hindi naman niya masisi ang asawa niya na magdalawang isip pero ganoon pa man ay masaya siyang tanggap na siya nito kahit na siya ay aswang!