Story#46- Kuba

35 3 0
                                    

TAMPULAN na nang tukso ang kubang si Esmeralda dahil sa kakaiba at nakakatakot niyang hitsura. Mag-isa lang siya sa buhay. Walang pamilya. Nakatira sa isang sirang kubo. Tinatawag din siyang salot dahil siya ang itinuturo na may kagagawan ng sunod-sunod na pagpatay sa naturang baryo na parang gawa ng aswang! Isang beses nang magsama-sama ang mga taong bayan para sunugin ang bahay niya ay natakot siya. Natatakot siya sa buhay ng mga ito dahil kapag may mga taong nang-aaway sa kaniya ay nagagalit din ang kakambal niyang halimaw sa likod niya na responsable sa mga pagpatay!

Hundred Words Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon