Story#55- Kape

37 3 2
                                    

COFFEE is life! Iyon ang motto ni Thomas. Mawala lang ang lahat 'wag lang ang paborito niyang kape. Halos anim na beses sa isang araw siya kung uminom niyon. Ewan niya pero stress reliever niya iyon. Pagkatapos niyang maghapunan ay uminom na naman siya ng kape. At nang gabi ring ‘yon ay hindi na siya nakatulog. At iyon naman talaga ang gusto niya. Dalawang araw na siyang hindi natutulog dahil kapag pumikit siya ay napapaginipan niya ang ginawa niya dalawang araw na ang nakakalipas. Kung saan ay ninakawan niya at pinatay ang amo niya nang tanggalin siya nito sa trabaho!

Hundred Words Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon