PAUWI na si Abet galing sa trabaho niya nang tawagin siya ng isang babae sa gilid ng kalsada sa harap ng simbahan ng Quiapo. Sinabi nitong alam nito ang kapalaran niya. Dahil sa kyuryusidad ay lumapit siya rito. Gusto niya kasing malaman kung yayaman ba siya? Sinabi ng babae na sa pagtungtong niya sa edad na trenta ay giginhawa ang buhay niya at sa susunod na taon na iyon. Dahil sa kasiyahan ay binigyan niya ito ng pera. Masaya siyang umalis doon at sakto namang pagtawid niya sa kalsada ay sinagasaan siya ng sasakyan at nagkalasog-lasog ang katawan niya!