MAKE-UP artist si Maru sa pinagtatrabahohan niyang parlor pero nawalan siya ng trabaho nang mag-lockdown dahil kasama siya sa mga binawas na empleyado. Para magka-trabaho ay tinanggap na niya ang pagme-make-up sa patay. Unang araw niya ngayon at aaminin niyang natatakot siya na makakita ng patay. Wala naman siyang pagpipilian kundi gawin ang trabaho niya. Habang nilalagyan niya ng kolorete sa mukha ang bangkay ng isang matandang babae ay nagulat siya nang narinig niya na parang may nagsalita at sinasabi nito na dapat ayusin niya ang pagpapaganda dito para ‘wag siya nitong dalawin mamayang gabi!