SINTAMIS ng pangalan ni Sugar ang mga cakes na ginagawa niya at ibenebenta. Iyon na ang naging negosyo niya nang mag-resign siya bilang isang call center agent. Ayon nga sa mga costumer niya ay natutupad daw ng mga cakes na ginagawa niya ang mga wish ng mga nagbi-birthday. Napapangiti si Sugar dahil hindi alam ng mga costumer niya na nilalagyan niya iyon ng itim na mahika na galing sa maliit na bote na may lamang itim na likido. Ibinigay iyon ng matandang babae sa kaniya no’ng nakaraang buwan kapalit ng pagkain na ibinigay niya rito. Wish granted, Badang!