NAPANSIN ni Julius ang napakalaking pagbabago sa asawa niya. Hindi naman ito ganoon dati. Kung dati ay masigla ito at palangiti ngunit ngayon ay tulala ito palagi. Ibang-iba na ito sa dating asawa na nakilala niya. Kapag naglalambing naman siya rito ay halatang nanlalamig na ito. Ewan niya kung ano ba talaga ang nangyayari sa asawa niya! Hays! Kung alam lang sana niya na mag-iiba ang ugali ng asawa niya ay hindi na sana niya ito ikinulong sa loob ng refrigerator ng isang linggo nang subukan nitong tumakas sa kaniya. Palagi kasi niya itong sinasaktan nang walang dahilan!