NAPAPANGITI si Kristine habang binibilang niya ang kita niya ng araw na iyon. Paano ba naman ay naubos agad ang mga alahas na ibenibenta niya online. Marami rin ang tumatangkilik sa mga ibenibenta niyang alahas dahil maliban sa mura na ay tunay na ginto pa iyon. Sa katunayan ay wala naman siyang puhunan sa negosyo niya. May inuutusan lamang siya para kunin ang mga alahas ng mga mayayamang nakalibing sa sementeryo! Isang beses ay napabalikwas ng bangon si Kristine nang makitang pinagpipyestahan na kainin ng mga bangkay ang katawan niya! Kung panaginip man iyon ay gusto na niyang magising na!