TUWING birthday ni Andro ay dapat hindi nawawala ang pulang lobo. Iyon kasi ang paborito niya noong bata siya. Naalala pa niya noon no’ng birthday niya ay umiyak siya dahil wala siyang natanggap na pulang lobo. Nahinto ang pag-iyak niya nang may isang payaso na nag-abot sa kaniya ng pulang lobo. Malaki ang ngiti nito. Napangiti naman siya. Pero nagulat na lamang siya nang lumaki pa ang ngiti nito hanggang sa bumukas na ang malaking bunganga nito. Akma na sana siyang kakainin nito nang tawagin siya ng mama niya at paglingon niya ay parang bula ito na naglaho!