KAHIT malayo ay bumiyahe pa rin si Angelo sa probinsiya niya sa Negros. May tumawag kasi sa kaniya sa cellphone at sinabing may masamang nangyari sa lola niya. Hindi na siya nakapag-paalam sa mapapamgasawa niyang si Genevive dahil sa masamang balitang natanggap. Pagkarating sa kanilang probinsiya ay nagulat siya nang malamang wala palang nangyari sa lola niya. Malakas ito at walang iniindang sakit. Sinabi niya dito ang lahat at sinabi nitong masamang pangitain iyon. Hindi niya pinansin iyon at kinabukasan nga ay umuwi siya pero naaksidente siya at namatay ng araw na iyon at hindi nakarating sa kaniyang kasal.