KUNG ang ibang tao ay kakambal ang kamalasan sa buhay ay ibahin niyo si Keziah. Kakambal lang naman nito ang swerte. Ewan niya pero maswerte talaga siya sa lahat ng bagay maliban lamang sa pag-ibig. Paano ba naman ay may iba ng nobya ang lalaking mahal niya at mismong ang kaibigan pa niyang si Roma. May nabalitaan siyang may balon daw na pwede kang humiling. Matapos niyang humiling doon ay natagpuan na lamang ang bangkay ni Roma sa ilalim ng balon na wala nang buhay. Napangiti si Keziah dahil tinupad ng halimaw sa loob ng balon ang hiling niya!