MAHILIG sa mga segunda mano na mga gamit si Michelle. Mapa furniture man yan o appliances ay binibili niya. Mas nakakamura kasi siya. Sinisigurado lang niya na maayos pa ito bago niya bilhin. Isang refrigerator ang gustong ibenta sa kaniya ng kaibigan ng kaibigan niya na ang pangalan ay Rona. Lilipat na raw ito sa america at doon na maninirahan kaya ibenebenta na nito ang mga gamit nito sa bahay sa murang halaga. Binili niya agad iyon pero kapag binubuksan niya iyon ay biglang nagsisitayuan ang mga balahibo niya sa katawan dahil may naririnig siyang pag-iyak ng isang bata.