HINDI pinagsisihan ni Cora ang pagiging aborsiyonista. Maliban kasi sa malaki ang kinikita niya ay ginagawa pa niyang sahog sa negosyo niyang sopas ang mga sanggol na ina-abort niya. Naging mabenta iyon dahil masarap. Hangga’t walang nakaka-alam sa mga sekreto niya ay mananatili iyong sekreto! Isang araw habang sarado ang kainan niya ay bumalik siya roon. Gusto niya kasing masigurado ang siguridad ng kainan niya pero nagulat siya nang may nakita siyang babae sa kusina habang binubuksan nito ang mga kaldero na may lamang fetus. Dala ang matalim na itak ay malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito!