ANG ayaw sa lahat ni Gwen ay ang paghilik ng nobyo niyang si Jason sa pagtulog. Kahit ano’ng gawin niya para makatulog ay hindi talaga niya kaya. Ang ingay kasi sa tenga ng paghilik nito. Gusto niyang tumigil na ito sa paghilik tuwing gabi. Sinasabi lang nito na susubukan daw nito. Ayaw rin daw nito na ma-estorbo ang pagtulog niya. Isang umaga ay naging maayos ang gising ni Gwen. Ewan niya pero parang hindi na niya narinig ang paghilik nito kagabi. Nang ibaling niya ang tingin dito ay tila kinabahan siya dahil namumutla na ito at hindi na humihinga!