PABORITO ni Kim ang kumain ng sopas na binebenta ni Aling Cora. Ewan niya pero iyon na yata ang pinakamasarap na sopas na natikman niya sa buong buhay niya. Araw-araw ay bukas ang kainan nito maliban na lamang kapag weekend. Naiinis siya dahil sabado ngayon. Nagki-crave pa naman siya! Dahil sa kagustohan na makakain niyon ngayon ay pasimple niyang pinasok ang tindahan nito at dumiretso agad sa may kusina. Isa-isa niyang binuksan ang mga malalaking kaldero at hindi niya maiwasan ang hindi masuka dahil mga fetus ang laman ng isang kaldero. Naalala niyang aborsiyonista pala si Aling Cora!