TILA isang mabigat na kalbaryo kay Kano nang maging asawa niya si Allen. Buhat kasi nang pakasalan niya ito ay nag-iba na ang ugali nito. Naging masungin ito at palaging maiinit ang ulo. Kapag may mga nagagawa siyang pagkakamali o hindi nagustohan ni Allen ay agad itong nagagalit. Sinasaktan din siya nito pero hindi iyon iniinda ni Kano. Mahal niya kasi ito nang sobra. Isang umaga ay ipinagluto niya ito nang almusal. Nagustohan naman nito iyon. First time pa lamang siyang purihin ng asawa niya ng ganoon. Nagsisisi na tuloy siya sa paglagay ng lason sa pagkain ng asawa niya!