ISANG napakasamang panaginip ang pumukaw kay Nadia sa kalagitnaan ng kaniyang pagtulog. Kailangan niyang balaan ang mga kasama niya na 'wag na silang tumuloy bukas sa kanilang outing. Nanaginip kasi siya na maaaksidente ang sinasakyan nilang sasakyan. Imbes na paniwalaan siya ng mga ito ay ipinagtawanan pa siya. Dahil may kutob siyang totoo talaga ang panaginip niya ay hindi siya sumama. Pero nagsisi siya sa hindi pagsama sa mga ito dahil kabaliktaran pala ang panaginip niya dahil siya ang namatay ng araw na iyon nang mabangga siya ng malaking truck at nakalagay sa plaka nito ang petsa ng kaniyang kaarawan!