NAGING matagumpay ang negosyong punerarya ni Aldio. Sa loob lamang ng anim na buwan ay nabawi na niya ang lahat ng naging puhunan niya. Nag-iisa lang ang punerarya niya sa kanilang lugar kaya kapag may namamatayan ay sila agad ang kinuha ng pamilya para mag-ayos ng bangkay. Napapangiti na lamang si Aldio habang binibilang niya ang pera na kita niya nang araw na iyon. Ito na yata ang simula ng kaniyang pagyaman! Hindi naman posible na meron silang kita araw-araw dahil sinisiguro niya talaga na may mapapatay siya gabi-gabi sa kahit ano'ng paraan na gusto niya!