Story#16- Kama

43 4 0
                                    

MAHILIG si Patrick sa bagay na gawa sa matitibay na kahoy. Kagaya na lamang ng mga kabinet, upuan o ano mang gawa sa hard wood. Kahit kamahalan nga ay binibili pa rin niya iyon para idagdag sa kaniyang mga koleksiyon. Isang beses ay may nakita siyang kama na gawa sa matibay na kahoy na binebenta sa internet. Maganda ito at mura kaya binili na niya agad. Pero isang maling desisyon yata ang ginawa niya dahil isang gabi nang natutulog siya sa kama ay may naamoy siyang usok ng sigarilyo at may naririnig siyang malaking boses na parang boses ng kapre.

Hundred Words Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon