Hindi ko mabilang kung nakailang buntong hininga ako ngayon dito kinatatayuan ko at nalate ata ang sasakyan na susundo sa akin. Miski mula nang makasakay ako sa eroplano hanggang makarating ako dito sa States ay puro buntong hininga ako sa disappointments.
Ava did not even bother to see me before I go, although alam ko naman na busy ito pero alam ko rin na galit o nagtatampo sa akin ito but seriously, hindi man lang sya nagparamdam nung aalis ako and it hurts me a bit.
Nakakainis, Oo, pero at the same time naiisip ko rin na baka wala rin kaming matinong mapag-uusapan ni Ava kung ihahatid ako nito, like what? Ipapamukha ko sa kanya na aalis ako at hindi ko talaga sya masasamahan? Kaya naman hindi ko na sya masisisi kung bakit. Hinatid ako ni Harvie sa airport pero hindi kasama si Yana dahil may meeting rin ito gaya ng isa nyang bestfriend sa malamang.
Ilang sandali lang ay biglang nagring ang phone ko at agad na sinagot iyon. This must be the one who will fetch me nakakapagod kasi yung byahe kaya buti naman, Philippines to US ride is such a freaking butt hurting one although nakabusiness class ako ay komportable naman. I don't want the first class dahil parang nagtatapon lang ako ng pera para sa ride lang. I mean, I can pay for it but i'd rather donate sa charity yung change ng business class to first. Hindi naman porket may kaya kami ay bulagsak na ako sa pera, kahit nakaaangat kami ay marunong akong magpahalaga.
"Vienne, Iha, pagpasensyahan mo na nalate ako, nagpahatid pa kasi mom mo salon." Sabi ng boses sa kabilang linya.
It is mang Oscar. He is our family driver and choosing a kababayan to help us is better. He is around his forties if I am not mistaken at matagal na ito sa amin. Miss ko na rin lahat rito.
"Malapit na po ako, Ma'am," muling sabi nito at nakita na ang sasakyan namin. It is new but the looks is still the same. New model lang. A white Mercedes one.
Agad-agad kong isinampa ang mga gamit ko nang walang kaarte-arte at dali-dali naman lumabas si mang Oscar to assist it kahit na ilang beses kong sinasabihan ito na kaya ko naman, besides kaunti lang naman ang dala ko. Why would you ask someone to do it when you can easily do it 'di ba? Kaya nga tinawag na kasambahay o katulong ang mga kasama nyo sa bahay to give a fair share help or ka-tulong 'di ba, hindi naman sinabing alila na ipapagawa mo sa kanila lahat. Thank goodness I was raised well and seeing spoiled brats cringes the heck out of me.
"Ngayon na lang ulit kita nakita, Iha." Ngiti sa akin ni Mang Oscar habang nagmamaneho.
"Oo nga, Manong. Sila mom lang kasi umuwi last vacation, hindi kayo sumama eh pwede naman kayo sumama para makadalaw rin kayo," sagot ko.
"Nako, Iha. Walang maiiwan sa inyo at saka uuwi rin naman ako mga next next month," masayang sabi nito.
Gumuguhit sa mga ngiti nito ang lubos na kasiyahan and I am sure he quickly imagined his family in the Philippines.
BINABASA MO ANG
It Happened to Vienne Again. (girlxgirl)
General FictionIt has been two years since Vienne and Ava finally and peacefully got the love they think they can start with and embraced it as much as their hearts can, but things are so unpredictable to call it like that. A very strange feeling is about to envel...