Chapter 7 - Little Ease - Not

2.7K 202 30
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Magmula nang mag-away kami ni Ava ay hindi na ako sumasama sa mga party kapag niyayaya ako ng mga friends ko rito. I still go out but not for some party na halos gaya ng dati. I just visit some friends and all and that is it. Kung minsan naman ay bahay at trabaho lang ang ginagawa ko. Kaunti na lang, I think mga four days na lang ay makakabalik na ako ng Pilipinas except kung matapos agad namin ang mga kailangan naming gawin for the partnership.

Everyday ay lagi akong nagrereach out kay Ava pero lagi itong busy at mukhang nagtatampo pa rin. Nakakaubos ng pasensya at nakakatampo talaga pero wala e, alangan naman igive up ko sya?

"Nakarating na ba kayo sa pinsan ni Ava?" tanong ko rito kay Yana via text.

Ngayon ang araw ng debut ng pinsan ni Ava, I sigh thinking that I should be the one sana na kasama ni Ava ngayon. It's already 10pm here at maaga pa at 10am naman sa Pinas kaya naman nakakapag-usap pa kami ni Yana. This is it. I will ask Yana para kulitin si Ava na kausapin ako dahil kasama nito si Yana at Lean sa debut ng pinsan ni Ava.

"Yeah, we're just resting a bit. Nakakapagod yung flight din kahit saglit lang." Text sa akin ni Yana, they have to take a plane dahil nasa Cebu ang pinsan nito.

"You know what to do ha? Please, Best," pakiusap at reply ko rito kay Yana.

I also asked her to give my gift sa pinsan ni Ava dahil hindi naman ako kinakausap ni Ava, so malamang 'di ko iyon maibilin mismo kay Ava.

"Don't worry, kami na bahala." Muling reply sa akin ni Yana. "Have to go, Best. Magprepare pa kami nila Ava, we need a little make up pa unlike the guys. Talk to you later!" Hirit pa nito.

I sighed again for the nth time. Kung busy sila ngayon then what more mamaya kapag nagstart na ang program, anong oras ko na makakausap si Ava? I sigh again. Why the heck is this so frustrating?
At dahil wala ulit akong magawa ay nagbukas na lang ako muli ng laptop ko. This is so boring as I thought. Parang paulit-ulit na lang yung ginagawa ko rito, sobrang nakakabagot. I miss Ava and I miss being with her.

I saw alot of messages na hindi naman importante kaya hindi ko binubuksan, may ilang mga messages din na galing sa hindi ko kilala. Usually some of them are just flirting with me or at least trying kahit alam naman nilang I am already with Ava. Other guys are like I can make you straight, like what the fuck? Unang-una sa lahat there shouldn't be something like straight, bended or what. All are humans period. We are not a freaking spaghetti, we're not a freaking rainbow, we're not a pole, we are just simple humans, end of discussion.

That is just for me lang naman and everybody thinks different. Halos ilang minutos rin akong nagtagal sa mga social media sites ko pati na rin ang pagscan ng ilang documents nang mabored ako at maisipan na subukang tawagan si Ava. Kulang na lang ay magdasal ako sa lahat ng santo para sagutin nito ang tawag ko at laking gulat ko nang sagutin nya ito, unless she handed it over to someone like Yana.

 It Happened to Vienne Again. (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon