Nang makarating kami sa Manila ay agad akong nagpahinga. Yana and Harvie bid goodbye to me and to manang Ester, I also asked them to give me a day of rest at huwag ipaalam sa kahit kanino na nasa Maynila na ako. Not even Ava and they both understand it.
It has been two days already nang makarating kami rito, kahit papaano ay nakarest naman ako sa bahay kaysa nuong nasa probinsya ako. Iba rin talaga ang nagagawa ng self-time at dahil naibigay na nila Yana ang isang araw na hiling ko na makarest ay alam ko na kukulitin na muli ako ni Yana patungkol kay Ava. I still haven't replied to any of Ava's text at nakatambak lang ito at everyday na nadadagdagan.
Is she overthinking like she did to me?
I was thinking what happened. Bakit kami umabot sa puntong ganito? Bakit nahahayaan namin na mawalan ng koneksyon sa isa't isa. A guilt just streamed down my system. I honestly miss Ava so much. So much that it hurts to ignore her but a part of me is still hurt. Everything that reminds me how she ignores me makes me want to double what she did to me, a revenge pero naisip ko na walang magagawa ang revenge dahil una sa lahat ay makakadagdag lang ito sa problema.
It's just 2 years after namin grumaduate ni Ava and I can tell that we're still both new to this. Kung ang iba nga ay five to ten years na nagsasama ay naghihiwalay pa, paano pa kaya ang dalawang taon naming pagsasama ni Ava? We're still on the process of it and acting like this won't solve any of our problem kaya naman napagpasyahan ko na makipagkita na lang kay Ava mamaya. I will face her and ignore all my heartaches.
"Best anong petsa na, anong balak mo?" chat sa akin ni Yana.
I am so right about her bothering me about this. I know she's just trying to be a good bestfriend dahil sa ayaw nya at sa gusto, alam kong nasasaktan din namin sya ni Ava sa mga nangyayaryi sa amin. She's our common bestfriend aside from Harvie kaya kung anong alitan mayroon kami ni Ava ay apektado ito.
"I decided to speak to her later but please don't tell her yet. I will be the one to approach her," reply ko rito.
"Ow my gosh. Thank goodness. Ayusin nyo na yan, Vienne. Please!" Muling reply nito sa akin but I did not bother to reply again.
Hindi pa rin ako pumapasok sa opisina dahil ang paalam ko naman rito at leave ko ay isang linggo. I throw myself in my bed at tumihaya. Agad nalipat ang isipan ko patungkol sa sinabi pa rin ng matanda sa probinsya. It has been two days already pero wala paring nangyayari sa akin. Siguro nga ay tama sila Yana. I am just overthinking dahil kung mayroon ay dapat nangyari na ito.
I facepalm myself and closed my eyes for a while. I feel so, so messed up. I need to start fixing everything. Ang magulo kong iniisip, si Ava pati na rin ang mga naiwan kong gawain. I suddenly opened my eyes at itinaas ang kanang kamay ko having the ceiling as my background view. I look at my right hand, the engagement ring. Hindi ko maipaliwanag pero biglang sumaya ang nararamdaman ko nang tignan ko ito. It's so beautiful. Naalala ko ang araw na nagpropose ako kay Ava. It was a disaster day for Wilson but it was one of my happiest, thinking of it makes me really happy.
BINABASA MO ANG
It Happened to Vienne Again. (girlxgirl)
General FictionIt has been two years since Vienne and Ava finally and peacefully got the love they think they can start with and embraced it as much as their hearts can, but things are so unpredictable to call it like that. A very strange feeling is about to envel...