Naglalakad kami ni Janicka papuntang gym o court na kung saan gaganapin ang cheer leading try out nang makasalubong namin ang grupo pwera lang kay Ava at Lean na kasama sa cheerleading.
"Hey!" bati sa amin ni Harvie.
I nod pero dahil napansin ko si Tyron ay nagbago nanaman ang timpla ng mood ko, pero syempre ay ayokong ipahalata ito. Sa mata ng iba, walang ginagawang masama si Tyron.
"Guys, saan kayo pupunta?" takang tanong ni Janicka.
"Saan pa ba, girl. Edi sa court rin. Si Mark kasi wagas kung magyaya manuod ng try outs nyo, he's gonna check out some girls nanaman for sure," sabi ni Dazzy rolling her eyes and crossing her arms.
"Grabe ka naman sa akin Daz. Good boy 'to no. Stick to one ganun," asik ni Mark kasabay ng pag-ayos nito ng suot na parang gentleman.
"Asus, pakitang gilas ka lang, Mark. Ayaw mo pang aminin. Si Janicka lang pinunta mo ngayon kaya ka nagyayaya manuod," sabat naman ni Camille na natatawa, teasing Mark na sinundan ni Perlo.
"Ano ba guys, nakakahiya. Pero totoo naman gusto ko lang i-support ang bagong kaibigan natin. Masama ba 'yon? Janicka is a part of us already like Tyron, di ba dude? Suportahan natin pinsan mo. Wag kayong magbigay ng malisya." Denial ni Mark at natatawa naman si Tyron sa tabi nito at dahil sa mga sinabi ni Mark ay nakapagbigay hiya kay Janicka.
"Nakakapressure pala. So dapat galingan ko for all of you guys." Nahihiyang sabi ni Janicka also looking at Mark at ang lalaking ito naman ay halos matunaw sa kilig. He's so obvious.
"Ehem, ehem excuse me lang no? Paano makakatry out si Janicka kung puro daldal tayo rito. We should get going."
Awat sa amin ni Yana and we all agreed. Nauuna silang naglalakad at medyo mabagal ang paglakad ko. Hangga't maaari ay ayoko makasabay si Tyron. I was looking at Tyron's back, if he only knew that I am already cursing him sa inis.
"Vienne, okay ka lang?" biglang tanong sa akin ni Harvie sa gilid ko.
Sya ang kasabay ko maglakad sa dinami dami nila. I nodded.
"What made you say I am not okay?" takang tanong ko rito looking at Harvie.
"Ang obvious mo kaya. Nakasimangot ka habang naglalakad tayo. May problema ba?" Tatawa-tawang sagot sa akin ni Harvie.
"Wala naman... ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang ay transferee ako rito. Ngayon sila Janicka na ang transferee." Pagsisentimyento ko habang naglalakad. Harvie nodded again.
"Yeah. Time is gold nga daw kaya we need to put out the best way possible. Daig ng maagap daw ang masikap."
Tawa nito muli hitting two words of wisdom or motto at the same time kaya tinignan ko ito like asking if he was making a joke out of it and he just burst out laughing again.
BINABASA MO ANG
It Happened to Vienne Again. (girlxgirl)
General FictionIt has been two years since Vienne and Ava finally and peacefully got the love they think they can start with and embraced it as much as their hearts can, but things are so unpredictable to call it like that. A very strange feeling is about to envel...