Chapter 10 - The Figure

2.9K 229 177
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Ava are you listening?" tanong ko rito.

I am now here with Ava sa office nito. I decided to drop by at dalhan ito ng lunch na luto ng isa kong chef na kaibigan.

"Ha? Sorry, what is it again?" tanong rin nito pabalik sa akin. I look at her seriously and sighed.

"Hey, you're stressed out. Magrelax ka muna. Wag mo muna isipin yung kung ano man yun. Hindi mo naman pasan ang buong kompanya. You have your great employees here," muling sabi ko rito, holding her hand easing her.

"Sorry." Muling hiling nito ng paumanhin. Umiling na lang ako saying it's nothing.

"Babe, it is okay kung maiwan muna kita? I mean, you can stay here and do what you want but I need to check on a lot of papers still. I need to get back to it," tanong nito sa akin.

I sigh. Parang kakapiranggot lang ang naging usapan namin at heto sya ngayon, hindi mapakali sa mga trabahong gagawin nya. I know she is really busy kaya naman nagdecide na lang akong bumalik sa company namin para mabigyan ito ng time at hindi maistorbo.

"It's okay, basta wag ka magpapakapagod masyado ha?" sabi ko rito na ikinatango nya. I kissed her forehead before leaving.

I got back to our company nang mga magaalas-dos na. I spent the whole working hours pero hindi naman ganuon kabigat ang mga ginagawa ko ngayon dahil wala pa ang demand season na isang branch na hawak ko. Actually I can get out early kung gugustuhin ko. My phone suddenly buzzed after a minute of checking some papers.

"Free ka later? Miss ko na kayo, lalo ka na Vienne baka naman pwede makahirit ng isang gala or dinner man lang. As a friend syempre." Text nito sa akin. It's Harvie.

I miss him too pero hindi ko sigurado kung pwede nga ako mamaya. Ang balak ko kasi ay ayain magdinner si Ava.

"Not sure, Harvie. I'm planning spending it with Ava," reply ko rito.

"It's cool. I understand. Basta kung sakali eh nandito lang ako. gala tayo or gimik. Tagal na nung last time." Muling reply nito sa akin.

"Maybe we can set up some other day." Reply ko pabalik at ibinulsa ang phone ko.

I stayed in my office until six pm and as early as it ay kumulo na ang tyan ko. I tried calling Ava but no one is answering, little by little, I am getting frustrated sa mga nangyayari sa amin ni Ava. Na nawawalan na kami ng time para sa isa't isa and mostly or madalas ay sya ang walang time dahil kung ako naman ang tatanungin ay naisisingit ko ito sa schedule ko. I tried calling Ava again for the nth time hanggang sa sumagot ito.

"Babe?" Sagot nito sa kabilang linya.

"Tagal mo sumagot. Di ka pa ba tapos?" I asked pouting a bit. More of a pout of sadness not a pout of pabebe.

 It Happened to Vienne Again. (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon