*i didnt reread this. Will edit later. Nasa mood lang ako magbonus chapter dito. Excuse me kung di ako nakakaupdate kay camille. Pinagiisipan ko kasi yung story line nya ng mabuti.*
Vienne's pov
Bagot na bagot ako dito ngayon sa importanteng meeting namin sa company. I keep on looking at my watch dahil may importanteng party rin akong pupuntahan, actually reunion sya nila Ava nuong highschool nila na gaganapin sa Wemblon hotel. 6pm ang start at heto ako ngayon nasa company parin ng 6:45 pm.
"Bakit ba kasi ang tagal matapos?" sa isip isip ko habang nakaupo rito at nasa harapan ko ang mga ibang business partners.
Importante ito at ang sabi ko kay Ava ay hindi ko sya maihahatid. Naintindihan nya naman pero nangako ako na susunod pagkatapos na pagkatapos.
"Well, I think we need to put up another branch in tagaytay what do you think Mrs. Heatherson?" Tanong ni Mr. Avenido na nakapagpabalik ng atensyon ko.
"Huh? Oh yeah, I think there's a potential market there. We should take that. I guess that could be nice and we can talk aboyt that further next time." Ngiti ko rito.
Hindi naman ako sumang-ayon dahil lang gusto kong matapos ang meeting. Maganda rin naman kasi talaga ang location na napili nila.
Hinihiling ko lang sana na makaramdam sila na gusto ko na umuwi pero syempre di ko naman pwede gawin yun dahil malaking investor din si Mr. Avenido and he is a mutual friend of my uncle."And if this gets successful, who knows maybe we can put up another branch. Maybe sa north naman?" Tawa ni Mr. Avenido na naniningkit na ang mata sa saya.
Masaya ako sa partnership na to pero grabe. Ang daldal rin nya talaga. Ilang oras na kaming nagmimeeting. Wala syang humpay. Parang bawat sabihin mo ay may sagot sya.
Napatingin ulit ako sa orasan ko. 7:55pm. Babyahe pa ako. Ano na?
"Right, Vienne?" tanong ulit nito na hindi ko na narinig patungkol sa kung saan ang mga sinabi nito. Nagzo-zone out nako sa totoo lang.
Napatingin ako sa mga kasama ko. Ang assistant ko na sulat ng sulat ng details, si Mr. Avenido, ang 2 pang kameeting namin at ang anak nya na naging assistant nya na halos kasing edaran lang namin.
Her daughter is pretty, she has a black hair with blonde sa bandang dulo ng buhok nya na bagay rito. She's wearing a beige pencil skirt and a white top and beige coat.
Napagtanto ko nalang na nakatingin din sya sa akin at nahuli nya akong tinitignan sya?
Really? Magspace out na nga lang ako mamamansin pa ako ng iba? Napatingin ito sa dad nya pero binigyan nya ako ng smirk. Okay, what the hell was that for Ms. Avenido?
"Dad, I think it's getting late. What if we can just continue this the next days. Magset up tayo ng meeting again with Ms. Heatherson and her team?" sabi nito.
Thank God!
Napaisip ang dad nito at napatango na lang. He drew a smile again and pat her daughter. Medyo napakunot naman ako ng nuo dahil sa pagtawag nito sa akin. Ms. Heatherson. Isn't she aware na married na ako? I shrug and didn't make a big deal out of it. Inalis ko nalang ulit iyon sa isip ko at ibinalik ang attention sa kanila.
"Well then, maybe we can have a dinner next time Ms. Heatherson? Maasahan ba namin yan?" Tanong ng anak ni Mr. Avenido na ang pangngalan ay Cheska.
Nagliwanag naman ang mukha ko sa saya. Finally mapupuntahan ko na si Ava.
"Of course! Of course. Just please let me know when and we'll discuss this over," ngiti ko sa mga ito. "I'd take full in charge of it para masabihan ko narin na makapaghanda ng marami at masasarap."
BINABASA MO ANG
It Happened to Vienne Again. (girlxgirl)
General FictionIt has been two years since Vienne and Ava finally and peacefully got the love they think they can start with and embraced it as much as their hearts can, but things are so unpredictable to call it like that. A very strange feeling is about to envel...