Chapter 41 - Uncovered

3.2K 263 295
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"W-who? What do you mean, paano? Paano mo nalaman na nasa past rin ako?" sunod-sunod na tanong ko kay Wilson.

Pagkatapos ko sya harapin at talikuran ang pinto. The room is filled with silence after I asked Wilson. I am still trembling and shock sa mga narinig ko. Hindi ko lubos maisip na hindi lang pala ako mag-isa sa panahon na ito na bumalik at may sinasabi pa syang isa bukod rin sa kanya. Halos napako na ako dito sa kinatatayuan ko sa dami ng mga iniiisip at tanong ko sa sarili ko.

Nililito lang ba ako ni Wilson o nagsasabi sya ng totoo?

Paniniwalaan ko ba sya gayung dati nya na akong tinangkang patayin? Mapagkakatiwalaan ba sya? Hindi ko alam ang sagot pero curious rin ako sa mga sinasabi nito, specially about him finding out that we got back into the past. He is still standing still and focused on my reaction spinning g his phone on his hand.

"Wala tayong mapapala at maiintindihan kung parehas tayo ng tanong, Vienne. Ang akin lang ay pwede kong sabihin ang mga alam ko. Ang tanong... Handa ka ba?" Walang patumpik tumpik at seryosong sagot nito sa akin.

"How do I know you're not lying? Na hindi ka gumagawa ng kwento?" tahasang tanong ko rito.

My hands are still shaking not by the fact that he might hurt me but by the fact na hindi lang ako iisang nandito sa time na ito. I still can't believe and get over it na ganuon lang. Idagdag mo pa ang nalilito kong pag-iisip.

"Among us, Vienne, ikaw ang mas matalino rito. You will know it. Simple lang, gaya ng pakiusap ko. You have to listen to me. Mararamdaman mo naman kung nagsisinungaling ako. Maaalala mo naman ang mga pangyayari at mapagtatagpi-tagpi mo kung nagsasabi talaga ako ng totoo," proud na sagot nito but he remained calm.

Parang may emosyon itong hindi ko mabasa pero alam kong hindi ito masama kung ano man iyon. I should not let my guard down still because he is a damn criminal in my eyes.

Hindi ako umimik ng ilang saglit dahil pilit ko pa rin na prinoproseso ang mga nangyayari. Should I really give him a chance and trust him? I slowly picked up my phone para sana tawagan si Yana at I-hang ang tawag para marinig lang nito ang magiging usapan namin and just when I was about to call Yana ay syang pagpigil ni Wilson sa akin at laking gulat ko when he suddenly picked up a small gun on his waist, pointing at me that gives me a thousand heartbeat.

"Nah, uh... uh, Vienne. Seryoso ako rito. Don't even dare to call anyone dahil tayo lang ang dapat nag-uusap rito. Sigurado akong manghihingi ng tulong yang mga yan sa mga pulis para arestuhin ako. Hindi pa tayo nakakapag-usap ng matino," dagdag nito still pointing his gun on me. I gulp trembling.

 It Happened to Vienne Again. (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon