Kabanata Dalawampu't Siyam

209 16 5
                                    

"Hayato!" Sigaw ni Saito habang naglalakad sa pasilyo ng kanyang tahanan.













Pababa na siya ng hagdan habang inaayos ang manggas ng suot niyang polo. Kanina niya pa hindi mahagilap si Hayato maging ang kanyang kapatid. Nagsisimula na siyang makaramdam ng kaba na baka may nangyari nang masama sa mga ito.













"Hayato!" Muling sigaw niya at nang nasa tapat na siya ng pinakapinto ng kanyang tahanan ay nakita niya hindi kalayuan ang dalawa na puno ng putik ang katawan.













Nameywang siya at hinintay na makarating sa pwesto niya ang dalawa.













"Saan kayo nanggaling at puno ng putik ang inyong mga suot?" Nakakunot noong tanong niya habang may bahid ng galit ang boses niya.













Napanguso ang kanyang kapatid at pinakita ang dala-dala nitong basket.













"Nanguha lamang kami ng mga bunga sa kalapit na bundok. Maputik kasi sa dinaanan namin kaya't nang hindi ko nabalanse ang aking katawan ay natumba ako at naisama si Kuya Hayato" paliwanag ni Laito.













Napatingin siya kay Hayato at tumango-tango ito na parang sinasang-ayunan ang sinabi ni Laito. Nagbuntong hininga siya at marahang ginulo ang buhok ng nakababatang kapatid.













"Kung gano'n ay magtungo ka na sa iyong silid upang makapaglinis at makapagpahinga. May pagsusulit ka pa mamaya, hindi ba?" Saad niya.













Tumango ito bago nagpaalam kaya kay Hayato naman siya tumingin. "Maglinis ka na rin ng iyong katawan, Hayato. Maiwan ka na muna rito sa tahanan ko upang mabantayan si Laito at ang iba pa."













"Masusunod, amo" turan nito bago yumuko at umalis.













Sumakay na siya sa sasakyan na pagmamay-ari niya at tahimik na tinungo ang kanyang eskwelahan. Tulad pa rin ng dati ay nagbibigay galang sa kanya ang lahat. Kahit sa edad na dalawampu't lima ay nag-aaral pa rin siya upang mas mapaunlad ang lupain ng kanyang mga magulang.













Naging maayos ang kanilang pag-aaral. Nagbigay rin ng pagsusulit ang kanilang guro na siyang mabilis niyang nasagutan.













Kasalukuyan silang naglalakad ni Aiko sa pasilyo ng kanyang eskwelahan. Kapwa nagsisiyuko ang mga napapadaang mag-aaral sa kanila ngunit hindi niya na iyon pinagtuunan ng pansin.













"Kamusta ang inyong pagpupulong nitong nakaraan lamang?" Ani Aiko sa kabila ng kanilang katahimikan.













Napabuntong hininga siya bago nagsalita. "Katulad pa rin ng dati. Mabuti nalang at sumang-ayon siya sa aking nais at hindi na inungkat pa ang nais nitong pagdiriwang upang maipakilala ang aking alaga sa aming mga kadugo."













"Marahil ay may nalaman si Tito Satuko sa iyong alaga kaya't nais niya itong maipakilala mo sa lahat. Nuon ba'y nangyari na ito sa dati mong alaga?"













"Hindi" saad niya na may pag-iling. "Hindi kailanman nagbigay ng ganoong lathala si Tito Satuko kaya't maging ako ay nagtataka sa kanyang nais ilang linggo na ang nakakalipas."













A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon