Kabanata Anim

317 17 0
                                    

"Aalis ka na ba, Kiira?"














Nakangiting tumango si Kiira kay Sana na gusto siyang samahan sa paglilibot. Gusto niya sanang magsama dahil hindi siya pamilyar sa lugar pero meron namang binigay na mapa sa kanya si Hayato kaya kahit papa'no ay hindi siya maliligaw.













"'Wag kang mag-alala, makakauwi naman ako ng ligtas" nakangiting turan niya kaya ngumiti ito.













"Kung gano'n ay mag-iingat ka" ani Sana na tinanguhan lang niya.














"Salamat. Aalis na 'ko" nagpaalam na siya rito at lumabas ng tahanan ni Saito.













Wala si Saito dahil nasa eskwalahan ito habang may kung anong ginagawa naman si Hayato kaya wala ito sa tahanan ni Saito.














Gusto niyang lumabas para makapagtanong-tanong dahil gusto niyang malaman kung paano ba siya makaalis sa lugar kung nasaan man siya. Gusto niyang malaman kung paano siya nakapasok sa lugar na iyon at kung paano siya makakalabas.













Akala niya ay kailangan niya lang matulog pero hindi, lumipas na ang tatlong araw pero hindi naman siya nakabalik sa mundo niya.













"Paumanhin" aniya nang biglang may mabunggo siya.














Kita niya ang taray sa mukha nito ng makaharap ito. "Sa susunod---" bigla itong napatigil na kinataka niya. "P-paumanhin" natatarantang sagot nito at mabilis na umalis.














Napakamot nalang siya sa ulo niya sa pagbabago ng reaksyon ng babaeng nabunggo. Naglakad-lakad ulit siya habang nakatingin sa mapa at nagpunta sa lugar kung saan siya nagising. Pero napanganga siya ng wala ang eskinita kung saan siya nagising.













"Anong nangyari?" Takang tanong niya habang nakatingin sa pader.














Hindi siya pwedeng magkamali dahil iyon talaga ang pinaglabasan niya. Halos mataas na pader nalang ang nandoon at walang eskinita.













Mukhang wala na 'kong pag-asa na makabalik pa sa mundo ko. Anang isang bahagi ng isip niya at lugmok na naglakad pabalik.













Lugmok na naglakad siya ulit sa daan na tinahak niya kanina. Iilan lang ang naglalakad sa daan kaya malaya siyang nakakapaglakad. Isabay pa ang sinturon na nasa leeg niya kaya umiiwas ang mga nakakasalubong niya at bigla-bigla nalang na yuyuko.













Nang minsang may makita siyang pulis ay tatakbo na sana siya dahil sa naranasan noon pero biglang nagsiyukuan ang mga ito sa kanya at umalis.














Nagtataka man ay nagpatuloy siya at napansin niya na iba ang sinturong suot niya sa mga nakakasalubong niyang taong kagaya niya na walang tainga at buntot.













Mukhang alaga talaga ang tao sa mundong 'to. Anang niya sa sarili at  napahinto sa paglalakad ng makakita ng bilihan ng aklat.














A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon