Habol ang hininga at nakatukod ang dalawang palad ni Kiira sa mga tuhod niya habang nakatingin kay Saki.
"Malayo pa ba tayo?" Tanong niya rito habang ganoon pa rin ang p'westo.
Sandali itong tumingin sa tinatahak nilang daan bago muling tumingin sa kanya.
"Sa tingin ko ay malapit na tayo" turan nito.
"Sa tingin mo? Ibig sabihin hindi ka sigurado" saad niya habang hinahabol pa rin ang hininga.
Hindi niya mawari kung bakit hindi nila gamitin ang kakayahan nito para mabilis silang makarating sa bundok ng Asuwales. Malayo-layo na rin ang nalalakbay nila at magdidilim na rin.
"Matagal na mula nang magtungo kami rito ng aking angkan. Marami na rin ang nagbago kaya't sinisiguro ko ang daan na ating tatahakin" paliwanag nito.
Hindi siya nagsalita at napayuko nalang. Makalipas ang ilang paghinga ay muli siyang umayos ng tayo at humarap sa kasama niya.
"Tayo na't maglakbay muli" aniya sabay tingin sa kalangitan. "Malapit nang sumapit ang dilim. Kinakailangan nating makahanap ng pansamantalayang matutuluyan."

BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasía[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...