Wakas

255 19 1
                                    

Napuno ng hagulgol ang lugar nang sandaling maglaho si Kiira. Ang lahat ay lumuha at nalungkot sa pagkawala ng isa sa kanila.












Sa kabila ng lahat ay hindi nila naisip na iyon na ang huli. Na may mawawalang isa sa kanila na napakalaki ng naging parte sa kanilang mga puso.












"Kiira..." Mga samu't saring mahihinang pagtawag ng mga naiwanan ni Kiira.













Lahat ng kaaway ay naglaho. Napuksa sa kapangyarihang inilabas ni Kiira.














Napatingin si Saito maging ang lahat sa napakagandang babae na bigla na lamang sumulpot hindi kalayuan sa kanila. Ang kasuotan nito ay mahaba at sumasayad sa madahong sahig.














Ngumiti ito at itinaas ang kamay. Nagliwanag ang kamay nito at sa isang iglap ay may inilibas itong maliit na babasaging bote na naglalaman ng kung anong likido. Nagtungo ito sa kinaroroonan niya at bahagyang yumukod bago iniabot ang hawak nito.














"Inumin mo ito" ani magandang babae.















Kahit hirap ay tinanggap niya ang iniabot nito. Nang tignan niya ito ay ngumiti lang ito sa kanya at tumango. Kalaunan ay ininom niya ang ibinigay nito at makalipas ang ilang sandali ay nagliwanag ang kanyang buong katawan kasabay ng enerhiyang bumabalot sa kanya.













Nang sandaling dumilat siya ay nawala ang lahat ng sugat na kanyang natamo. Gulat na napatingin siya sa magandang babae.













"Paanong..." Hindi na niya maituloy pa ang sasabihin.














Lumaki ang ngiti nito sa kanya. "Ako si Bathalumang Mayasi. Ang paglaho niya ang tanging paraan upang tuluyang mawala ang iyong sumpa."













Nanghina siya sa narinig at nabitawan ang babasaging bote. Mabilis siyang dinaluhan ni Shami.















"Ang kanyang tungkulin ay nagwakas na" ani Mayasi na siyang kinabahala niya.














"Hindi na ba siya babalik muli?" Malungkot na tanong niya rito.













Nanatilu ang ngiti nito sa kanya. "Siya'y isinugo lamang ng ating bathala. Ang kanyang pagdating at pagkalaho ay nakasulat na sa kanyang palad."














Napayuko siya at hindi inabalang pansinin ang kanyang paghagulgol.














"Muling bubuka ang bagong liwayway. Ito na ang simula muli" ani ng magandang babae bago unti-unting naglaho sa kanilang harapan.














Lalong lumakas ang kanyang hagulgol. Kiira.











WAKAS.

A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon