Kabanata Tatlumpu't Isa

214 16 2
                                    

Tahimik na nakaupo si Kiira sa isa sa mga sopa sa loob ng opisina ni Saito. Nakaupo katabi niya si Michie na panay ang linga sa buong silid.















"Mayroon akong mga kwarto sa kalapit na silid. Maari kayong magpahinga roon" ani Saito habang nakaupo sa pang-isahang sopa.














"Ihahatid ko na muna si Michie sa kanyang magiging silid" ani Mihiko at tumingin sa kanya. "Sasabay ka ba sa amin?"














Ngumiti siya at umiling. "Dito na muna ako sumandali. Mayroon lang kaming pag-uusapan."















"Kung gano'n ay mauuna na kami" turan nito bago tumayo.














Sinundan niya lang ito at ang kapatid nito ng tingin na kasalukuyang palabas ng opisina ni Saito. Sumandal siya sa inuupuan at huminga ng malalim. Tila ngayon niya lang naramdaman ang pagod.














Naaalala niya pa na nasa kalagitnaan sila ng paglalakbay nila nang biglang mapahinto siya dahil bigla-bigla nalang may kung anong liwanag ang sumakop sa kanya at nakita niya ang kasalukuyang nangyayari sa eskwelahan ni Saito.














"Mukhang malalim ang iyong iniisip" ani Saito dahilan para mapatingin siya dito.














Ngumiti siya rito at umalis sa pagkakasandal. "Hindi naman. May naalala lamang ako."















Hindi ito nagsalita pero nanatili itong nakatingin sa kanya. Nailang siya sa paraan ng pagkakatingin nito na tila hinahalukay maging ang kaluluwa niya.














"B-bakit gan'yan ka makatingin?" Nauutal na tanong niya.















Ilang minuto itong hindi nagsalita bago ito nagbuntong hininga. "Sigurado ka ba sa sinambit mo kanina?"















Napakurap-kurap siya sa tanong nito at saglit na nag-isip. "Kanina?"














Muli itong napabuntong hininga at itinukod ang siko sa hawakan ng sopa at nangalumbaba habang nakatingin sa kanya.















"Tungkol sa nais ng aking kadugo" turan nito.















Nangunot ang noo niya at napagtanto ang nais nitong sabihin.














"Kadugo mo ang kasalukuyang presidente ng konseho?" Gulat na tanong niya.















Napatulala siya ng marinig ang pagtawa nito. Parang musika sa kanyang tainga ang pagtawa nito at mas lalo itong naging makisig sa kanyang paningin. Tila nagliliwanag ang paligid nito.















"Siya si Satuko Tagashi, ang panganay na kapatid ng aking yumaong ina" anito habang nakangiti.















Umiwas siya ng tingin rito at pakunwaring nagtingin-tingin sa opisina nito. "Nakita ko na, na nais niya akong maipakilala sa inyong angkan kaya't walang dahilan upang ako ay humindi sa kanyang nais."















A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon