Kabanata Limampu't Isa

85 10 0
                                    

Maayos na naidaos ang pagdiriwang sa ika-labing walong kaarawan ni Laito.












Masaya si Saito dahil naging maayos ang lagay ng kanyang kapatid. Kahit na nabahidan ng pagkagulat ang nalaman niya ay hindi niya maitatanggi na nabawasan ng bigat ang kanyang dinadala.












"Saito..."












Napalingon siya kay Aiko na siyang tumawag sa kanya.












"Bakit?" Pagtatanong niya rito.












Hindi ito nagsalita, bagkus ay humawi ito kaya dumako ang tingin niya sa pinto ng kanilang silid. Nakita niya roon ang mga kaibigan ni Kiira na tila kanina pa siya tinatawag.












Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nagtungo sa pinto habang sumunod naman sa kanya si Aiko.












"Anong kailangan niyo sa akin?" Agarang tanong niya sa mga ito nang makapunta siya sa kinaroroonan ng mga ito.













"Maayos lang ba si Kiira?" Seryosong tanong sa kanya ni Mihiko.












Nangunot ang noo niya sa naging tanong nito. Para sa kanya ay isa iyong insulto dahil parang pinapamukha nito na hindi maayos si Kiira sa kanyang poder.












Huminga siya ng malalim at matapang na sinalubong ang tingin nito. "Maayos ang kanyang lagay. Kung iniisip niyo na hindi maganda ang kanyang lagay sa aking poder ay inuunahan ko na kayo, pantay ang trato sa kanya ng lahat."












Nagkatinginan ang mga ito sa isa't isa na siyang kinataka niya.












"Hindi naman iyon ang punto ng aking kapatid" mahinahong turan ni Michie. "Nag-aalala lamang kami kay Kiira lalo na nang hindi siya lumitaw ni isa sa aming asignatura" dagdag pa nito.












Napakurap-kurap siya at inalisa ang sinabi nito. "Anong ibig niyong sabihin? Ang sabi sa akin ni Hayato ay nauna nang pumasok si Kiira. Paanong hindi siya pumasok kung nauna siya sa akin?"













Muling nagkatingin ang mga ito sa isa't isa. Nakaramdam siya ng kaba sa isiping may nangyaring hindi maganda rito.













"Wala naman sanang masamang nangyari sa kanya" ani Michie sa mababang boses na puno ng pag-aalala.













Napahilot siya sa kanyang sintido. Seryoso ang mukha na humarap siya kay Aiko na mabilis tumango sa kanya. Sa sandaling iyon ay bigla na lamang itong nawala sa kanyang harapan.














Muli siyang humarap sa mga kaibigan ni Kiira. "Ako na ang bahalang maghanap kay Kiira."













"Ngunit nais naming tumulong sa paghahanap" ani Mihiko.














"Hindi na kailangan" seryosong turan niya.













"Paumanhin ngunit hindi ka namin masusunod sa oras na ito" matapang na turan sa kanya ni Mihiko.














A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon