Mapupungay ang mga mata ni Kiira ng magising hanggang sa nasa hapagkainan na siya.
"Ayos lang po ba kayo, Kiira?" Nag-aalalang tanong ni Lana.
Walang buhay na tumango siya dahil ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos. Sa kagustuhan niyang malaman ang katauhan ng pamilyang Yamashi ay hindi niya tinantanan ang pagbabasa ng aklat na binili niya. Isama pa ang nangyaring ganap sa hardin kaya hanggat maaari ay umiiwas siya kay Saito.
"Sigurado po kayo?"
"Napuyat lang ako kakabasa" aniya dahil sa kapal ng aklat na iyon ay iilan lang pala ang malalaman niya tungkol kay Saito.
Sa kapal ng libro ay naputol iyon nang nasa labing isang taong gulang na si Saito kaya wala siyang nalaman sa kasalukuyang naranasan nito. Nabasa niya rin ang mga lugar na sakop ng pamilyang Yamashi at isa na doon ang lupain ng Redville kung saan siya nakatira na matagal na talagang nawala sa mapa. Lalo tuloy siyang nagkaroon ng lakas ng loob na makabalik sa mundo niya.
Nag-umpisa na siyang kumain muli at nakakailang subo palang siya ng mahagip ng mata niya si Saito na patungo sa p'westo niya. Tumayo siya kaagad at handa nang umalis ng magsalita ito.
"Bumalik ka sa iyong kinauupuan, Kiira" utos ni Saito sa kanya.
Napabuntong hininga siya at nakayukong bumalik sa upuan niya. Nakaupo na si Saito sa lagi nitong p'westo.
"Ano ang iyong dahilan at iniiwasan mo ako? Tila kulang ka din lagi sa tulog. Ano ba ang iyong pinagkakaabalahan?" Sunud-sunod na tanong nito.
"Hindi naman kita iniiwasan, sadyang may pinagkakaabalahan lang ako na kailangan kong pagtuunan ng pansin" palusot niya.
Buti nalang ay magaling siyang magsalita ng malalalim na salita para makasabay sa lenggwahe ng mga ito.
"Kung hindi mo ako iniiwasan ay ano ang iyong ginawa kanina ng makita mo ako?" Anito.
Napakagat labi siya at piniling hindi magsalita. Baka kung ano pa ang mabigkas niya na pwede niyang ikapahamak.
"Dahil ba ito sa nangyari sa hardin ilang araw na---"
Napatigil ito sa pagsasalita ng lumapat ang palad niya sa bibig nito para hindi ito makapagsalita. Narinig niya ang pagsinghap ng mga kasambahay at ilang bantay dahil sa ginawa niya.
Inalis nito ang kamay niya sa bibig nito pero hindi iyon binitawan.
"Iwan niyo muna kami" anito na mabilis na sinunod ng lahat hanggang sa sila nalang ang naiwan. "Paumanhin kung muntikan ko nang masabi ang isang bagay na hindi mo gustong marinig nila" anito.
Mabilis na umiling-iling siya dahil laging ito ang humihingi ng paumanhin sa kanya at laging bukas ang isip para intindihin siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/248354152-288-k595782.jpg)
BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantezie[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...