"Anong balita?" Walang emosyon na tanong ni Saito kay Hayato at sa iba pa niyang tauhan.
"Paumanhin, amo. Nilibot na namin ang buong lugar ngunit hindi namin siya matagpuan" ani Hayato.
Mabilis na kumuyom ang mga kamao niya at sa isang iglap ay nabasag ang mga babasaging bagay na nakapaligid sa kanila.
Hindi niya mapigilan na hindi magalit sa biglaang pagkawala ni Kiira. Halos ipahalughog na niya ang buong lugar ng iba't ibang lupain mahanap lamang ito.
"Amo---"
"Ayokong makarinig ng kahit ano!" May galit na turan niya na siyang kinatahimik ng mga nasa harap niya.
Mula sa pagkakaupo ay ramdam niya ang enerhiyang lumalabas sa kanyang katawan. Matagal na rin nang siya'y magalit. Hindi niya akalain na lalabas iyong muli nang dahil lamang sa pagkawala ni Kiira.
"Kuya Saito..."
Napatingin ang gawi niya kay Laito at napansin niya ang pag-atras nito at bahagyang pagtago sa likod ni Hayato.
Napabuntong hininga siya at pumikit. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili at makalipas lang ang ilang minuto ay kumalma na rin siya.
Muli niyang idinilat ang mga mata at napansin niya ang mga basag na kagamitan sa paligid. Napabuntong hininga siya at muling tumingin kay Hayato.
"Magpadala ka ng mga tauhan natin patungo sa apat na lupain. Nais kong lumisan sila ngayon din upang mahanap si Kiira" utos niya rito.
Yumuko ito at agad na nagpaalam. Sumunod na rin ang iba hanggang sa sila nalang ng bunsong kapatid ang natira. Walang nagsalita sa kanila hanggang sa siya na mismo ang nagkusa.
"Ano't naririto ka pa, Laito? Mas makakabuti kung magpapahinga ka na" anito sa seryosong boses.
"Ngunit nag-aalala ako kay Kiira" ani bunsong kapatid.
Napaiwas siya ng tingin at napabuntong hininga. "Mahahanap natin siya. Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya naibabalik dito sa tahanan ko."
Hindi ito kumibo ngunit hindi rin ito umalis. Nagtaka siya sa pananatili nito kaya hinarap na niya ito. Nakatingin lang ito sa kanya habang malungkot.
Muli siyang napabuntong hininga at lumapit rito. Ipinatong niya ang isang kamay sa ulo niyo at bahagyang ngumiti.
"Bumalik ka na sa iyong silid. Ako na ang bahala sa lahat" turan niya na kinaiwas nito ng tingin.
"Ngunit may nais akong sabihin."
Natulos siya sa kinatatayuan niya at nakaramdam ng kaba. Hindi niya naiwasang hindi kabahan dahil iyon din ang mga katagang binitawan sa kanya ni Kiira bago ito nawala.

BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasi[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...