Lalong nawalan ng emosyon ang mga mata ni Saito nang tuluyang makita ang angkan ng mga lobo na siyang pinamumunuan ni Shen.
Kitang-kita niya ang ngisi nito hababg nasa likuran niya ang mga lobong hayok na hayok na sa pagkain dahil sa labis na paglalaway ng mga ito.
"Ano ang iyong dahilan upang gambalain ang tahimik na eskwelahan na ito?" Matapang na tanong niya rito.
Lumaki ang ngisi nito. "Nakalimutan mo na ba ang ginawa mong pagpaslang sa aking mga tapat na tauhan para lamang iligtas ang wala mong silbing alaga?"
Napakuyom siya at kinontril ang sarili. Kalaunan ay tinapatan niya ang titig nito.
"Kasalanan ko ba kung mahina ang iyong mga tauhan?" Nakangising turan niya dahilan upang magngitngit ito sa galit.
"Napakalakas ng loob mo upang sabihin iyan" giit nito.
"Totoo naman ang aking tinuran, Shen" pang-aasar niya rito.
Hindi na siya nagulat nang magpalit ito ng anyo bilang asong lobo.

BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasía[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...