Kabanata Tatlumpu't Anim

146 12 2
                                    

Nang makarating sa pagtitipon sina Kiira ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lahat na kapwa humahagulgol sa takot. Napadako ang tingin niya kina Saito ngunit lalong nanlaki ang mga mata niya ng makitang sakal-sakal ito ng isang oso.













Napakuyom siya ng kamao at mabilis na nagdilim ang paningin niya. Walang maaaring makapanakit sa kanila. Anang isang bahagi ng isip niya.













Mabilis na nagtungo siya sa oso habang ganoon pa rin ang ekspresyon. "Bitawan mo siya" may diing turan niya rito.













Tumingin ito sa kanya na may ngisi sa mga labi. "Nandirito na pala ang aking hinahanap" saad nito.













Binitawan nito si Saito ngunit nakita niya ang itim na marka sa leeg nito dahilan upang lalo siyang makaramdam ng galit. Itinaas niya ang kamay at mabilis iyong nagliwanag. Lumakas rin ang ihip ng hangin.













"Ut auferat spiritum suum!" Take their breath away. Galit na sigaw niya.













Ramdam niya ang enerhiyang bumabalot sa kanya. Puno iyon ng galit. Kita niya ang pagkagulat sa mata ng mga angkan at bisita ni Saito nang unti-unting umangat sa ere ang mga umatake sa kanila habang hawak-hawak ang kanilang mga leeg, maliban lang sa lalaking soro na siyang sumakal kay Saito.













Kita niya rin kung paano mahirapan si Saito sa sitwasyon nito gayong hindi pa ito tuluyang malakas. Kasalukuyan itong dinadaluhan nina Laito at mga pinsan nito.













"Hindi ko mapapatawad ang inyong ginawa. Hindi ako makakapayag na may malagas na naman nang dahil sa inyo" may diin at galit na turan niya. "Hindi na dapat kayo nagtangka pa."













Nang sandaling itikom niya ang kanyang palad ay ang siyang pagtunog ng nabaling leeg ng mga umatake sa kanila dahilan upang magtilian ang mga bisita ang ibang angkan ni Saito.














"Praetervolo" Vanish. Bulong niya at unti-unting naglaho ang kanyang mga napaslang.













Tumutok ang tingin niya sa lalaking soro at nakikitaan niya ang takot rito. Napangisi siya nang maramdaman ang takot na bumabalot rito sa kabila ng itim na salamangka na kumakain sa katauhan nito.













"Nagkamali ka ng iyong kinakalaban, soro" saad niya bago itinaas ang kamay niya.













Itinaas niya ang kamay na para bang may kumokontrol sa kanya at puno ng galit ang puso.













"Vos postulo ut moriatur---" You need to die---.













Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang may lumapat na palad sa kanyang palad. Pinagsaklop ang kanilang mga palad kasunod ng malambot na bagay na lumapat sa kanyang labi.













Unti-unting nawala ang galit na nararamdaman niya at napalitan iyon ng pagkalma. Nanatili siyang walang kibo habang unti-unting humihiwalay na sa kanya si Saito.














"Saito..." mahinang turan niya sa pangalan nito.













Ngumiti ito sa kanya habang magkasaklop pa rin ang kanilang mga palad. "Maayos na ang lahat. Hindi mo na kailangang gawin iyon."















A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon