Kabanata Tatlumpu't Siyam

119 11 0
                                    

Nag-aasikaso na si Saito para sa gagawin niyang pagpasok. Nang matapos ay nagtungo na siya sa silid kainan.











Naabutan niya roon si Kiira na pinaghahandaan ng pagkain si Laito na kasalukuyan nang nakaupo.











"Narito ka na pala. Halika, kumain ka na rin" ani Kiira na may ngiti sa mga labi.











Hindi siya nagsalita at naupo sa lagi niyang inuupuan. Hindi na siya nagtaka nang paghainan din siya ni Kiira ng kanyang makakain. Nang matapos ay agad ding kumuha ng makakain si Kiira para sa sarili nito.











Nag-umpisa silang kumain ng tahimik. Napapansin niya ang panaka-nakang pagtingin sa kanya ni Kiira ngunit hindi niya iyon pinansin. Tahimik lang siyang kumain hanggang sa matapos siya.











"Mauuna na ako" saad niya bago tumayo sa kanyang upuan.











Diretso lang ang tingin na umalis siya sa hapag kainan at nagtungo muli sa kanyang silid. Pagkasarado niya palang ng pinto ay agad na siyang napaluhod habang hawak ang kanyang dibdib sa parteng puso.











Nag-umpisa muling manikip ang kanyang dibdib at nahihirapan na rin siya sa pagsagap ng hangin.











Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit muli itong bumalik? Mga tanong na nabuo sa isipan niya habang hawak-hawak ang kanyang dibdib.











Nang sumikip pa iyon ay tuluyan na siyang napadausdos sa sahig. Ramdam niya ang pagkatusok ng mahahaba niyang kuko sa kanyang balat. Ramdam niya rin ang pagdurugo ng kanyang labi dahil sa matutulis niyang mga pangil.











Pilit na iginalaw niya ang kamay upang maabot ang isang sikretong pindutin na kanyang ginawa nitong nakaraan lamang. Ginawa niya iyon nang mapansin niya na may nagbabago sa kanya.











Nang maabot ang pindutan ay mabilis niya iyong pinindot dahilan upang malakas na magsisara ang bawat pinto at bintana ng kanyang silid.











Kailangan ko ito. Kailangan ko itong gawin upang wala akong masaktan. Pagkausap niya sa sarili habang pilit na kinokontrol ang sarili na lumabas muli ang bagay na kinatatakutan niya.












Ang ipinagtataka niya lang ay bakit iyon nangyayari sa kanya gayong wala naman siyang naamoy na kahit anong dugo lalo na ang dugo ni Kiira.











NAPAPITLAG SINA KIIRA nang makarinig sila ng malakas na galabog. Kasalukuyan siyang tumutulong sa pagliligpit ng kanilang pinagkainan nang marinig nila iyon.











"Ano ang bagay na iyon?" Nagtatakang tanong ni Hayato sa mga bantay.












"Hindi rin ho namin alam. Mukhang nanggaling iyon sa itaas" ani ng isang bantay.











Nakaramdam siya ng kaba nang maisip si Saito. Kanina niya pa napapansin na iba ang ikinikilos nito nang mga nakaraang araw lalo na ngayon.











A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon