Kabanata Limampu't Pito

120 10 2
                                    

"Ano na ang ating plano?"













Napalingon si Saito kay Mihiko na kanina pa tanong ng tanong.














"Maari bang manahimik ka na muna?" May asar na turan niya ngunit tila hindi ito natinag.














"Hindi ako mananahimik hanggat wala tayong ginagawang hakbang upang iligtas si Kiira" giit nito. "Ano? Matapos iligtas ni Kiira iyang sinisinta mo ay wala ka nang pakialam sa kanya?" dagdag pa nito.














Magsasalita na sana siya nang bigla na lamang silang nakarinig ng sigaw.













"Tumigil na kayo!"













Pare-parehas silang napalingon ay Saki na kanina pa tahimik at pinagmamasdan lamang sila. Naglakad ito patungo sa kanila at nang pumagitna ito ay parehas sila nitong tinignan sa malamig na paraan.














"Walang mangyayari kung uunahin niyo ang init ng inyong mga ulo" ani Saki bago tumingin kay Shami na kanina pa hindi mapakali. "Siguradong alam mo ang kuta ng pangkat ni Shen. Sana ay mayroon ka namang silbi matapos isakripisyo ni Kiira ang kanyang buhay para sa iyo."














"Saki" may diing bigkas niya sa pangalan nito ngunit tinignan lamang siya nito sa malamig na paraan.













"Bakit? Hindi ba at totoo naman ang aking tinuran?" litanya nito sabay tingin muli kay Shami na may galit ang mga mata. "Halos ibuwis ni Kiira ang kanyang buhay para lamang iligtas ang iyong buhay. Ilang beses na siyang nagsakripisyo para lamang sa ikasisiya ni Saito ngunit hindi ko akalain na ito ang igaganti mo sa kanya."














"Wala siyang kasalanan, Saki" pagsingit naman ni Aiko.













"Wala nga ba?" May hinanakit na turan ni Saki rito. "Simula nang malaman niya na buhay ka ay wala siyang ibang inisip kung hindi ang iligtas ka para lamang maging masaya si Saito. Binubuwis niya ang sarili niyang buhay at walang pakialam sa mangyayari sa kanya para lamang sa inyong dalawa. Nagsakripisyo siya kapalit ang sarili niyang kaligayahan."














Walang nagsalita ni isa sa kanila. Alam niya na nawawala ang atensyon niya kay Kiira dahil nakapokus siya kay Shami at sa pagiging maayos nito matapos ang nangyari rito. Hindi niya inakala na mayroon na pala siyang nasasaktan sa kanyang ginagawa.














"Kung wala kang maitutulong ay nais kong mawala ka sa aming harapan" ani Saki sa malamig na tinig.













"Saki" muling babala niya rito ngunit hindi ito natitinag.














"Huwag na tayong maglokohan pa rito, Saito" sabay tingin nito sa kanya na may galit ang mga mata. "Lahat ng malapit kay Kiira ay siya ang sinisisi sa mga nangyayari kay Kiira ngayon."














Tumingin siya sa mga kaibigan ni Kiira at lahat ito ay nagsi-iwas ng tingin sa kanya. Napatiim bagang siya sa isiping nawalan siya ng konsentrasyon sa lahat. Napatingin siya kay Laito na alam niyang sinisisi rin si Shami sa nangyayari ngayon kay Kiira.














"Huwag na kayong mag-away-away pa."














Napalingon siya kay Shami nang magsalita ito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa sopa at maamo ang mukhang humarap sa lahat.














A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon