Kabanata Tatlumpu't Pito

131 10 0
                                    

Nakatulala lamang si Kiira sa puting kisame habang nakahiga siya.













Nagising siyang mag-isa sa silid na hindi pamilyar sa kanya. Malalim ang kanyang iniisip. Iniisip niya ang naganap ilang oras na ang nakakalipas.













Huminga siya ng malalim at muling ipinikit ang mga mata. Sinusubukan niyang isipin na hindi siya iyon, na hindi siya ang pumatay sa mga iyon, ngunit pilit din idinidikta ng kanyang isip na lahat ng iyon ay siya ang may gawa.













"Hindi ikaw 'yon, Kiira. Hindi ikaw 'yon" pangungumbinsi niya sa sarili.













"Mananatili pa rin naman na ikaw 'yan kahit na nagawa mo iyon."













Napadilat siya at una niyang nakita si Saito na nakasandal sa nakasaradong pinto. Bumangon siya at sumandal sa sandalan ng hinihigaan niya. Ramdam niya ang lambit niyon at sadyang hihilahin ka patulog.













Nagsimula itong maglakad habang nagsasalita. "Ikaw pa rin naman iyan kahit na nagawa mo iyon. Wala pa rin namang magbabago dahil ikaw 'yon at wala nang iba."













Napaiwas siya ng tingin rito at yumuko. Nakita niya ang pag-upo nito sa gilid ng hinihigaan niya at humarap sa kanya.













"Salamat, Kiira" saad nito.













Gulat na napatingin siya rito dahil sa sinabi nito. "Hindi maganda ang aking nagawa, Saito. Walang dapat na ipagpasalamat doon. Nakapatay ako!"













Nagsimulang mangilid ang mga luha niya, yumuko at tahimik na umiyak. Kahit anong gawin niyang pangungumbinsi sa sarili na hindi niya iyon ginawa ay wala pa ring nangyayari. Patuloy lang na bumabalik sa isipan niya ang ginawa.













Napaangat ang tingin niya rito nang maramdaman ang malambot nitong kamay na sumakop sa kamay niya.













"Saito..." Mahinang bigkas niya sa pangalan nito.













Ngumiti ito sa kanya at gamit ang isa nitong kamay ay hinaplos nito ang pisngi niya at pinunasan ang luha sa mga pisngi niya.













"Hindi mo kailangang sisihin ang iyong sarili. Iniligtas mo ang mga kailangan ng tulong. Kung hindi dahil sa iyo ay malamang na may muli na namang nalagas sa aming angkan maging sa aming bisita" saad nito.













"Ngunit ako rin ang dahilan kung bakit sila muntik nang mamatay. Ako ang hanap ng oso na iyon kaya kasalanan ko ang nangyari" turan niya.













"Hindi mo iyon kasalanan kaya huwag mo nang sisihin pa ang iyong sarili. Walang sinuman ang sinisisi ka sa nangyari dahil may pagkakataon talaga na mangyayari iyon lalo na sa estado ng aming angkan" litanya nito.













Hindi siya nakakibo ngunit patuloy pa rin ang pagsinghot niya. Narinig niya ang pagtawa nito kaya nakasimangot na tinignan niya ito ng masama.













"Bakit ka tumatawa?" Nakangusong tanong niya.













"Wala lang" anito habang tumatawa, "sadyang nakatutuwa lamang ang iyong ekspresyon kaya hindi ko maiwasang hindi matawa."













A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon