Kabanata Tatlumpu't Lima

153 12 1
                                    

Naging maayos ang pagtitipon na pinamunuan ni Satuko. Naging masaya si Kiira at hindi pansin ang pagiging iba niya sa mga ito.














Kung titignan ay sila lamang ni Saito ang kaiiba maging si Aiko na imbitado sa pagtitipon dahil sila lamang ang may kapangyarihang salamangka habang ang iba nilang kasama ay tila mga ordinaryo lang na soro na may antas sa buhay.













"Ate Kiira..."













Napalingon siya sa likuran niya ng may tumawag sa pangalan niya. Napangiti siya ng makitang si Laito iyon na nakasimangot. Nasa terasa siya at masayang tinatanaw ang naggagandahang bulaklak sa paligid.













"Ano't naririto ka, Laito? Hindi ba dapat ay kasama mo ang iyong angkan?" Tanong niya rito.













Sumimangot ito lalo bago naglakad palapit sa kanya. Nang nasa tabi na niya ito ay lalo siyang napangiti ng makita sa malapitan ang pagiging bata nito kung gumalaw.













Itinaas niya ang kamay at marahang hinaplos ang pisngi nito. "Ano at gan'yan ang iyong wangis? May hindi ba kanais-nais na nangyari?"













Umiling ito at nagbuntong hininga.















"Kung ganoon ay bakit ka nakasimangot?" Tanong niya rito.













Muli itong napabuntong hininga bago nagsalita. "Gusto ko lamang ng tahimik na lugar."















Hindi siya nagsalita ngunit alam niya na hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit ganoon ang wangis nito. Humarap siya mula sa terasa at muling tinanaw ang mga bulaklak.













"Hindi man tayo nagkasama ng matagal ay alam ko na kung nagsasabi ka man sa akin ng totoo o hindi, ngunit hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko kung ayaw mo namang pag-usapan" aniya at napabuntong hininga. "At isa pa ay wala naman ako sa posisyon upang mamilit sa aking nais" dagdag niya pa.














"Bakit?"













Napalingon siya rito at wala na ang pagkakasimangot nito. Bagkus ay napalitan iyon ng lungkot at pagsisisi. Ngumiti siya rito para pagaanin ang loob nito bago muling tumingin sa magandang tanawin.















"Kapag ako ay naging marahas, mapilit o mapang-usisa, hindi na ako iyon" aniya at nakangiting humarap rito. "Ako ay ako. Hindi na magbabago iyon."













Nagulat siya ng yakapin siya nito at mas hinigpitan pa iyon. Nang makahupa sa gulat ay niyakap niya rin ito ng pabalik.













"Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako sising-sisi nang ako ay lumisan. Hindi ko naisip na marami akong maiiwanan at muling masasaktan" saad niya sa mababang boses.













"Si Kuya Saito ang lubos na nasaktan muli nang ikaw ay lumisan. Ngunit nang ikaw ay bumalik ay nanumbalik kung sino siya, kaya salamat sa iyong pagbabalik" saad nito.

















Humiwalay ito ng yakap at sabay silang napatawa. "Akala ko ay bata ka pa ngunit sa tingin ko ay nagkamali ako. Hindi batang Laito ang nakikita ko sa harapan ko ngayon."













A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon