Napadausdos si Kiira sa maruming sahig nang basta-basta nalang siyang itinulak sa loob ng isa sa pulis na humuli sa kanya.
"Aray!" Mahinang daing niya ng may humila ng tali, na nakakonekta sa sinturon na nasa leeg niya, mula sa labas ng kinaluluanan niya kaya tumama ang mukha niya sa bakal.
Ang sakit n'yon, ah. Reklamo niya sa isipan niya.
Tinanggal ng pulis ang tali sa leeg niya pero nanatili ang sinturon sa leeg niya. Hinimas niya ang pisnging tumama sa bakal dahil sa sakit.
Anong tingin nila sa akin? Hayop para lagyan ng belt sa leeg? Anang niya sa sarili bago nag-umpisang kalasin ang sinturon na nasa leeg niya.
"Hindi ako magtatangkang tanggalin 'yan kung ako sa 'yo."
Napatigil siya sa pagkalas ng sinturon at napadako ang tingin sa pinakadulong parte ng piitan. Nakita niya roon ang isang bulto ng babae na nakaupo sa pinakadulo.
"S-sino ka?" Nauutal na tanong niya rito.
Umiiwas siya dahil baka mamaya ay may gawin itong masama sa kanya, mabuti na ang nag-iingat lalo na at hindi niya alam kung nasaan mang lupalop siya.
BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasía[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...