Kabanata Animnapu't Apat

124 10 0
                                    

Ang lahat ay nagbubuwis ng buhay para sa ikabubuti ng lahat. Marami man ang nasasawi sa panig ni Kiira ay ginagawa niya iyong lakas upang lumaban.












"Kiira!" Sigaw ni Laito sa kanya.












Huli na upang makaiwas si Kiira sa atakeng patungo sa kanya. Tumalsik siya sa lupa na nagkaroon ng biyak sa lakas ng kanyang pagkabagsak.












Unti-unti siyang bumangon at pinunasan ang dugo sa kanyang pisngi.












"Kinagagalak kong makita ka muli" ani Azu na siyang umatake sa kanya.












Hindi na siya nagtaka pa na kasama ang mga oso sa pag-atake sa kanila gayong ito ang may pakana ng lahat.












Tumayo siya at hinabol ang sariling hininga. Hindi niya itatanggi na mas malakas si Azu kaysa kay Shen.












Ang lahat ay may kanya-kanyang kalaban. Si Saito ay kasalukuyang nakikisagupa kay Shen, si Laito at Shami maging ang iba niyang kaibigan ay nakikipaglaban sa mga oso at asong lobo, samantalang si Abuerde at Asula ay nakikipaglaban kay Azula.












Ngumisi siya sa kaharap na ilang metro ang layo sa kanya. "Tila atake ng isang bata ang aking naramdaman" pang-aasar niya rito.












Kita niya ang pamumuo ng galit nito hanggang sa mabilis itong umatake sa kanya. Iniharang niya ang sariling espada rito at ramdam niya ang itim nitong mahika.







A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon