Kabanata Animnapu't Dalawa

113 10 0
                                    

Tahimik lamang si Kiira habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Patungo sila sa lupain ng Redville batay sa hiling niya kay Laito.







"Malapit na tayo" ani nagmamaneho ng kanilang sasakyan.







Ilang saglit lang ay tumigil sila sa isang malabundok na lupain. Makikitaan ng pighati ang buong lugar.








Bumaba siya ng sasakyan na ginawa rin ng iba. Kasama nila ni Laito sina Saito at Shami. Nang malaman ng mga ito ang nais niya ay sumama ang mga ito.








"Kay tagal na rin nang muli akong magtungo rito" ani Saito na pinatitigan ang buong lugar.








Pinagmasdan niya ang lupain na siyang pinagmulan niya. Napatingin siya sa kanyang likuran ng makarinig ng mga bulong.








Nakita niya ang mga samu't saring taong kagaya niya na tila gulat sa nakikita.








"Totoo ngang nagbalik si Shami. Ibig bang sabihin ay muli nang babalik ang ganda ng lupain ng Redville?" Dinig niyang ani ng isa sa mga ito.








"Totoo nga rin ang bali-balitang may kawangis si Shami" ani pa ng isa.








Nag-iwas siya ng tingin at muling pinagmasdan ang lugar. Hinayaan niyang makisalamuha sina Saito at Shami sa mga tao.









Pansin niya ang tuyong mga dahon maging ang mga bahay na hindi na napangalagaan. Tila inabandona ang lupain ng Redville batay sa kanyang obserbasyon.



A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon