Nakangalumbaba lamang si Kiira habang nakatingin sa labas ng bintana at hawak ang isang aklat.
Wala pa ang kanilang tagaturo dahil may importanteng pagtitipon itong pinuntahan.
Hindi na siya nagtaka nang magtungo ang pangkat ni Saito na siyang muli nilang makakasama sa klase. Kasama nito ang kapatid nito.
"Ate Kiiraaa!" Sigaw ni Laito na siyang nagpalingon sa kanya rito.
"Laito" nakangiting bigkas niya sa pangalan nito.
Nagtaka siya ng lumapit rin sa kanya sina Saito na hindi naman nito ugaling gawin. Tumingin siya sa likuran nito at wala siyang nakitang Shami kaya nagtaka siya.
"Bakit laging aklat ang iyong hawak?" Ani Saito nang makalapit ito sa kanya.
"Alangan namang ikaw gayong hawak ka na ng iba" sagot niya rito.
Natahimik ito maging ang iba kaya ngumiti siya ng malaki.

BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasia[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...