Kabanata Tatlumpu't Tatlo

194 14 1
                                    

Hindi gumagalaw si Kiira sa kinatatayuan niya habang may kung anong ginagawa sina Sana sa likuran niya.













Nakasuot siya ng mahaba at makapal na kasuotan na sumasayad sa sahig. Kulay lila ang kasuotang suot niya. Lantad ang kanyang mga mapuputing balikat. Ang manggas niya ay abot hanggang palapulsuhan niya habang sa kanyang balikat ay may mahabang tela roon na nakalaylay . (PICTURE ON THE MEDIA).













Ang kanyang buhok ay nakatali ng maayos habang may kung anong purselana ang nakapalibot sa kanyang noo hanggang likod. May suot rin siyang marangyang kwintas at singsing.













"Kahali-halina ang inyong kasuotan, Kiira. Paniguradong mahuhumaling sa inyo ang inyong amo" ani Sana.













Ngumiti siya at hindi na tumutol sa sinambit nito. Tinignan niya ang sarili sa salamin at natutuwa siyang makita na may ibubuga pala siya.













Parehas silang napalingon nina Sana sa pinto ng kanyang silid ng may kumatok roon. Nang bumukas iyon ay nakita nila si Hayato na nakaayos rin.













"Oras na upang tayo ay umalis" turan nito na tinanguhan niya.













Wala siyang dalang kahit ano bukod sa sarili niya. Sumunod sa kanya sina Sana habang nangunguna naman si Hayato sa kanila.













Nang nasa itaas na sila ng mahabang hagdan ay nakita niya ang magkapatid na Yamashi na kapwa nakatalikod sa kanya.













Nagsimula silang humakbang paibaba at inaalalayan siya ni Hayato dahil sa suot na sapatos. May kataasan ang kanyang sapin sa paa at dahil tahimik ang buong tahanan ni Saito ay rinig na rinig ang pagtapak niya.













Nang tuluyang makababa ay unang lumingon sa kanya si Laito dahil may kausap na bantay si Saito. Kita niya ang paglaki ng mga mata nito at maya-maya ay sumilay ang malaking ngiti.













"Ikaw ba talaga iyan, Kiira?" Ani Laito na bakas pa rin ang gulat.













Dahil sa sinambit nito ay napalingon na rin sa kanya si Saito. Hindi ito gumalaw sa kinatatayuan nito at nakatingin lang sa kanya. Sinalubong niya ang tingin nito at ngumiti.













"Ayos lang ba ang ayos ko?" Tanong niya rito.














Kumurap-kurap ito at sinenyasan ang bantay na kausap nito kanina na umalis. Humarap ito ng tuluyan sa kanya habang nakapokus ang atensyon sa kanya.













"Ayos lang ba?" Muling tanong niya rito.













Bahagya itong ngumiti kaya nawala ang ngiti niya. Tila isa itong prinsipe na nagliliwanag ang paligid. Ang ngiti nito ay hindi peke o pagpapanggap lang. Tunay ang ngiti nito.













"Kay ganda mo sa iyong kasuotan. Tila ibang Kiira ang nasa harapan ko ngayon" saad nito kaya namula ang mga pisngi niya.














"S-salamat" nahihiyang turan niya rito.













Ngumiti lang ito sa kanya bago inilahad ang kamay nito. "Handa ka na ba?"













A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon