Tatlong katok ang bumasag sa katahimikang namuo sa buong silid kung nasaan sina Hayato at Kiira.
"Pumasok ka" ani Hayato.
Bumukas ang pinto at iniluwa n'yon si Sana na nakangiti. "Pauwi na po ang ating amo" anunsyo nito kaya bumilis ang tibok ng puso ni Kiira.
"Maraming salamat sa pagbalita, Sana" ani Hayato saka humarap sa kanya. "Sumunod ka sa akin."
Kinakabahang sumunod siya kay Hayato. Magkasaklop ang mga palad niya sa harapan habang nakasunod sa likuran nito. Pansin niya ang pagkatigil sa ginagawa ng mga tauhan sa loob ng malaking tahanan na kinaluluanan niya na tila hindi siya inaasahan ng mga ito.
Huminto sila sa isang pinto, binuksan iyon ni Hayato at pinapasok siya. Humarap siya rito na nanatili lang sa pinto habang nakahawak sa seradura ng pinto.
"Manatili ka sa silid na ito. Maya-maya lang din ay darating na ang iyong amo" anito at yumuko bago sinarado ang pinto.
"Sandali..." Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin ng tuluyan itong lumabas ng silid.
Napabuntong hininga nalang siya at inilibot ang tingin sa silid na kinaroroonan niya. Maayos ang silid at mukhang malinis sa lugar ang may-ari. Pansin niya rin ang mga panlalaking kagamitan. Bigla ay natulos siya sa kinatatayuan niya.

BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasy[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...