Nakatingin lang si Kiira sa bulaklak na siyang pinitas ni Saito sa kanya noon. Gamit ang kakayahan niya ay muli niyang binigyan ng buhay ang pitas na bulaklak.
Dumating na ang araw, Kiira. Aniya sa sarili.
Malungkot na napangiti siya habang nakatingin pa rin sa bulaklak. Nakalutang lang ang bulaklak sa loob ng isang garapon at nangyari iyon dahil sa kanyang kakayahan.
Malungkot ang anyo ng mukha niya ng tumalikod siya sa bulaklak. Napagawi ang tingin niya sa higaan niya at nakita roon ang mga gamit na dadalhin niya maging ang pinabili niyang kapa na may sabong para sa gagawin niyang paglalakbay.
Napatingin siya sa pinto ng silid niya ng may kumatok roon. Ikinumpas niya lang ang isang kamay niya at mabilis na naglaho ang mga gamit na dadalhin niya. Natutunan niya iyon ng sandaling dalawin siya ni Saki kinagabihan. Laking gulat niya na marami pa pala siyang kayang gawin.
"Ikaw pala" nakangiting turan niya kay Laito na siyang kumatok at sumilip sa singaw ng pinto niya.
Dire-diretso itong pumasok sa kanyang silid at umupo sa gilid ng higaan niya. Nagtataka man ay lumapit siya rito at naupo sa tabi nito.
Walang nagsalita ni isa sa kanila kay napuno ng katahimikan ang buong silid niya. Ayaw niya ring ibuka ang mga labi niya dahil mukhang wala rin siyang makukuhang sagot mula rito.

BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasi[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...