Naitaas ni Saito ang isang kamay niya nang may maliwanag na bagay ang bigla nalang nagsisulpot sa harap nila.
Batay sa nakikita niya ay apat ang mga ito. Maging si Aiko ay nagulat nang may liwanag na sumulpot sa harapan nito nang muntik na itong makagat ng isang asong lobo.
Unti-unting nawala ang liwanag kasabay ng pagkakita nila sa apat na bulto ng anyong tao. Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang umawang ang labi sa nakikita.
"K-Kiira?" Nauutal na bigkas niya sa pangalan nito.
Mula sa harapan niya ay humarap ito sa kanya na may ngiti ang mga labi.
"Kinagagalak kong makita ka muli, Saito" turan nito.
Hindi nakapagsalita si Saito sa pagkabigla. Para bang naestatwa siya sa kinatatayuan nang hindi ito inaasahan na makita.
Nagising siya sa pag-iisip nang marinig ang malakas nitong boses. "Ngayon na!"
Nang sumigaw ito ay itinaas nito ang mga kamay sa bawat gilid na ginawa din ng tatlo nitong kasama. Napaatras siya ng makitang magliwanag ang palad ng mga ito.
"Hostibus obice!" Enemy barrier. Sigaw ni Kiira kasabay ng pagkadugtong ng bawat liwanag sa palad ng apat.
Nang sandaling magkonekta ang mga iyon ay may malaking parisukat ang nabuo sa ere na umiikot-ikot pa ng mabagal.
"Periit fortitudinem!" Gone strength. Muling sigaw ni Kiira kasabay ng pagkarinig nila ng malalakas na ungol ng sakit mula sa kanilang mga kalaban.
"Nagpakita rin siya" ani Satuko na siyang katabi niya.
Hindi niya naintindihan ang sinambit nito ngunit muli siyang napatingin kay Kiira. Naiihip ng hangin ang suot-suot nitong kapa na para bang sumasayaw.
Nang mawala ang liwanag ay nakita nalang nila ang habol ng paghinga ng mga asong lobo habang nakaluhod at nakalapat sa lupa ang mga palad.
Napahakbang siya paharap ngunit bigla ding napatigil ng magtungo si Kiira sa pwesto ni Shen na siyang muntik nang pumatay sa kanya.
Gumalaw ang mga labi nito na wari ba'y nagsalita ngunit wala naman siyang narinig. Napahinga ng malalim ang mga kasamahan nilang lumaban habang ang iba ay iniinda ang sakit na kanilang nararamdaman.
"Paumanhin kung kami ay natagalan" ani Mihiko na siyang nasa harapan na niya maging ang dalawa pang babae.
Nagsiyuko ang mga ito habang nagsilapit naman sa kanila ang mga kapwa nito may mahika na puno ng sugat.
"Nawa'y mapatawad niyo kami sa aming kabagalan. Nangyari lamang na mayroon kaming hindi inaasahan na bisita" ani Kiira habang naglalakad patungo sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/248354152-288-k595782.jpg)
BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasi[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...