Napakuyom si Saito nang tuluyang masilayan ang kanyang dating alaga.
"Lapastangan ka!" Sigaw ni Mihiko.
Sabay-sabay nilang naisigaw ang pangalan ni Mihiko nang walang pakundangan na sumugod ito palapit kay Shen.
Muli nilang naisigaw ang pangalan nito nang tumalsik ito sa sementadong dingding. Hindi na sila nakapag-isip pa ng plano nang sabay-sabay silang sumugod patungo rito.
Hindi niya maitatanggi na lumakas si Shen kaysa sa dati nilang laban. Tila dumoble ang lakas nito at maging ang mga kasama niya ay kaya nitong patalsikin. Sinubukan niya na makalapit sa pwesto ni Kiira ngunit nanlaki ang mata niya nang biglang may sumulpot na asong lobo sa kanyang harapan na may hawak na espada.
Lumayo siya rito at napaigik ng maramdaman ang hapdi sa kanyang braso na nadaplisan nito.
"Hindi siya nag-iisa!" Sigaw niya upang marinig ng kanyang mga kasama.
Tulad ng inaasahan niya ay nagsilitaw ang mga asong lobo na kapwa may hawak na mga itim na espada. Umalingawngaw ang tawa ni Shen na tila tuwang-tuwa sa nangyayari.
"Akala ko pa naman ay tatagal ang pakikipaglaro ko sa inyo, ngunit tila kinakailangan na ang nasa mataas na antas ng asong lobo muna ang inyong makalaban bago ako" ani nito na may ngisi sa labi.
Napatingin sila kay Kiira ng sumigaw ito ng malakas. Kitang-kita niya kung paano umusok at tumulo ang dugo nito sa sahig mula sa palapulsuhan nito.
"Kiira..." bulong niya sa pangalan nito.
Alam niya na gusto nitong lumaban ngunit sa nakikita niya ay tila mahihirapan ito lalo na at may kung anong mahika ang nakapalibot sa kadena. Inobserbahan niya ang paligid at pansin niya na itim ang lahat ng espada ng bawat asong lobo.
"Paniguradong galing kay Azula ang kanilang lakas."
Napalingon siya kay Saki na bigla na lamang sumulpot sa kanyang likuran. Seryoso ang mukha nito at nakapokus lang ang tingin kay Kiira na nagpupumilit pa rin na makawala.
"Kung naglaan siya ng kapangyarihan para sa lahat ay paniguradong mahina na ito" turan niya.
Napakunot siya ng noo ng umiling ito habang seryosong nakatingin kay Shen.
"Hindi iyon ang nangyari" ani nito. "Gumamit siya ng isang ritwal upang maging mangkukulam na gaya niya ang mga ito."
"Kung ganoon ay mahihirapan tayo lalo na at mas mataas ang mga mangkukulam sa ating mga mahikera at mahikero" saad niya.
Gusto niya mang itanggi ngunit mas malakas sa kanila ang kanilang kalaban. Kakaiba ang lakas ng mga ito kumpara noon na wala man lang ka-armas-armas ang mga ito.
"Wala tayong ibang pagpipilian kung hindi ang labanan sila" seryosong turan ni Saki saka unti-unting inilabas ang espada nito.
BINABASA MO ANG
A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)
Fantasy[SEASON 1] What will you do if you woke up and you are in a world of Fox? A fox in human form with a cute ears and long tail? Will you stay there? Or try to escape? All Rights Reserved ©2020 **** Cover made by @Animoons DATE STARTED : December 29, 2...