Kabanata Walo

294 21 0
                                    

Nakatayo lang si Saito sa tapat ng nakasarado niyang bintana habang nakatingin kay Kiira na masayang nakatingin sa mga bulaklak.













"Wala ba kayong balak na samahan siya, amo?" Tanong ni Hayato na mahihimigan ang panunukso sa kanya sa tono ng boses nito.













"Bakit ko naman gagawin iyon?" Balik tanong niya at nagkunwari na hindi inintindi ang himig ng boses nito.













"Para mas makilala pa siya, amo. Hindi ba't nais mo siyang makilala?" Ani Hayato.













Hindi nakakibo si Saito sa sinabi nito dahil iyon talaga ang gusto niyang gawin. Gusto niya itong makilala para malaman kung sino ba talaga ito.













Napabuga siya ng hangin habang pinagmamasdan ang babaeng kamukhang-kamukha ng dati niyang alaga. Hindi niya maiwasang hindi ito mapagkamalang si Shami.













"Amo---"













"Sa tingin mo ba ay masama na ako kung sasabihin kong nais ko siyang maging pag-aari?" Pagputol niya sa gustong sabihin nito.













"Pagmamay-ari mo naman siya, amo, hindi ba?"













"Hanggat hindi natin alam ang tunay niyang pagkatao ay hindi ako mapapanatag at masasabing akin siya. Maaring may naunang amo sa kanya at kapag nagkataon ay hindi ko alam kung kaya ko ba siyang ibalik" pag-amin niya rito.













Kailanman ay hindi siya naglilihim kay Hayato dahil ito ang pinakapinagkakatiwalaan niya sa lahat. Kasama na niya ito noon pa man.













"Amo, hindi ba't kapag alaga na ng isang Yamashi ay hindi na maaring kunin pa ng iba kahit na nauna man ito sa kanya o hindi?" Ani Hayato at hindi naman siya nakapagsalita kaya nagpatuloy ito. "Alam kong nagdududa kayo at hindi mapalagay, ngunit 'wag kayong matakot na makilala siya. Hindi naman masama kung aangkinin mo siya gayong siya ay iyong kasintahan."













"Kasintahan na walang kahit anong nararamdaman sa isa't isa" anito habang nakatingin pa rin kay Kiira.













"Amo..."













"Ito ang gustung-gusto ko nang alisin sa batas natin. Ang batas na makakapagpigil sa malayang pagmamahalan. Kahit sila ay ating alaga, hindi natin dapat saklawan ang kanilang buhay pag-ibig. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang nararamdaman" turan niya sa malungkot na boses.














"Hindi kita masisisi kung iyan ang iyong nais lalo na't may ibang sinisinta si Shami habang sinisinta mo siya" ani ng tapat niyang tauhan.













Napapikit siya ng maalala ang ibinaon niyang nararamdaman. Alam ni Shami ang pagsinta niya rito ngunit may iba itong sinisinta, kaya't gusto niyang maalis ang batas na iyon para may kalayaan ang mga alaga nila na makapamili ng gugustuhin nilang makasama.













"Mahaba pa ba ang proseso sa paghahanap mo ng impormasyon sa pagkatao ni Kiira?" Pag-iiba niya ng usapan dahil ayaw na niyang ibalik pa ang nakaraan.














A World Ruled By Fox: Nine Tailed Fox And The Human Pet (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon